Posted @ 8:35 am    291 words in post       Comments off

Please bear with me on this one as my rant is written in the vernacular…

Nakakasama ng loob na maranig mo ang tatay mo na gusto pala kayong iwan magkapera lang siya! Nakakainis! Bakit ba di na lang tigilan ang kadramahan sa loob ng bahay?!? Bakit kailangang tuwing nagiging okay ang lahat bigla na lang may darating na problema o gulo? Nakakainis talaga! Badtrip na buhay sobra! Minsan naiisip ko sana ako na lang iyong tao na immune sa kadramahan ng mga taong nasa paligid niya. Sana ako iyong tao na bahala na kayong lahat basta ako masaya! Kaso hindi ako ganoon eh. Hindi ako iyong tipo ng tao na dedma sa paligid niya lalo na pagdating sa pamilya. Ako kasi iyong laging apektado! Ako iyong laging nag-aalala, laging nangangamba sa mga puwedeng mangyari. Naiinis talaga ako!

Kapag badtrip ako naiisip ko na kung sarili ko lang sana iniintindi ko wala siguro akong kaproble-problema. Kung sarili ko lang iniisip ko, dapat ang dami kong pera, nakatira ako sa isang napakaayos na bahay na di maingay at wala akong dapat pakisamahan. Sarili ko lang ang iintindihin ko! Kaso kasama ko ang pamilya ko na ni hindi man lang kayang isipin na di na dapat dinadagdagan pa ang problema kung wala rin lang kakuwenta-kuwentang bagay iyon! Kaso hindi. Sinisikap kong maging positibo sa lahat ng bagay pero kung ang mga kasama ko laging nakaangil sa isa’t isa, lagi na lang may salitang bwisit na kasama, lagi na lang di nagbibigayan… paano pa kaya???

Di naman ako humihiling ng marangyang buhay. Sa totoo nga iyong sapat lang ayos na sa akin. Pero lagi na lang may binabatong nakakainis ang buhay sa akin! Ni hindi man lang tumatagal iyong kaligayahan ko. Badtrip sobra!





Comments

Comments are closed.